Mga piling nailathalang tula sa wikang Pangasinan : isang pagsasalin at pagsusuri sa wikang Filipino / Arnold R. Centino.
Material type:
Item type | Current location | Call number | Status | Date due | Barcode |
---|---|---|---|---|---|
![]() |
La Union Provincial Library Dissertation Section | DIS 808.81 C33m 2014 (Browse shelf) | Not For Loan | 006771laup |
Bibliography: pages 92-94.
Narito ang mga nakalap na datos mula sa ginawang pagsusuring istatistikal.
1. Ang naging ebalwasyon ng mga respondante sa ginawang pagsasalin sa mga piling nailathalang tula sa wikang Pangasinan at ang mga sumusunod:
1.1. Ang ebalwasyon ng mga respondante sa ginawang pagsasalin ng mananaliksikn sa mga piling nailathalang tula sa wikang Pangasinan sa bahaging diwa, ang aytem 1, 2, 3 at 4 ay nasa antas na lubos na sinang-ayunan o LS. Tanging ang aytem 5 ang napabilang sa antas na sinang-ayunan o SA dahil may weighthed mean itong 3.47.
1.2. Ang pagsasalita pagdating sa himig nito, ang aytem 1 ay may weighted mean itong 3.57, ang aytem 2 ay may 3.70 at ang aytem 3 naman ay may 3.9. Ito ay nangangahulugang lahat ng aytem ay nasa antas ng lubos na sinang-ayunan o LS.
1.3. Samantalang sa estilo ng pagkakasalin, ang aytem 3 lamang ang nasa antas na lubos na sinang-ayunan o LS dahil may weighted mean itong 3.73. Ang aytem 1, 2 at 3 ay parehong napabilang sa antas na sinang-ayunan o SA dahil nakapaloob sa 2.50-3.49 ang weighted mean ng mga ito.
Sa kabuuan, ang naging ebalwasyon ng mga respondent sa ginawang pagsasalin sa Filipino ng mananaliksik sa mga piling nailathalang tula sa wikang Pangasinan ay nasa antas na lubos na sinang-ayunan dahil may kabuuang weighted mean itong 3.60.
2. Ang pagsusuri ng mga respondente sa mga piling nailathalang tula sa wikang Pangasinan ay ang mga sumusunod:
2.1. Ayon sa kaanyuan, sinang-ayunan ng nakararami ang tulang SAY PIRAWAT KON NAGAMURAN, MANSILUNGET, BUMABANGAT, SEMPEN, NANKAKAPIGA A PAGA, BIGISEN YA SAPOK at ANINO ay mga tulang pasalaysay.
2.2. Ang tulang ANGGAD MANSAMPOT YAY BASBAS, NARASAN, TERE, JANE, NIA SO ASIN at SAY A-B-K-D NA BILAY ay tinukoy ng nakararaming respondante bilang tulang pandulaan. Samantalang ang tulang ITANGAY MO LA, SAY BILAY YA ANGGAPOY ARO, BILUNGETAY TAWEN, ALIWAN PANGALATOK, SINMABI LA, PINAPUTIN DILA, MAERMEN YA PUSO, LIDER at PEBRERO-BULAN NA AROAN ay mga tulang pandamdamin.
2.3. Ayon sa kayarian, karamihan sa mga respondente ay sinana-ayunan na halos lahat ng piling inilathalang tula sa wikang Pangasinan ay may kayariang tulang pasalaysay. Ang tulang NARASAN at BUMABANGAT ang napabilang lamang sa kayariang tula sa tuluyan. Wala sa mga napiling tula sa Pangasinan ang may kayariang may sukat at tugma.
2.4. Ang mga tulang naisalin sa Filipino ay karamihang may kaukulang mabigat ayon sa mga respondente. Ang tulang SAY BILAY YA ANGGAPOY ARO, BILUNGETAY TAWEN, ALIWAN PANGALATOK, BUMABANGAT, at LIDER ay napabilang sa kaukulang pang-okasyon. May kaukulang magaan naman ang tulang SAY PIRAWAT KON NAGAMURAN, BIGISEN YA SAPOK, ANINO at PEBRERO-BULAN NA AROAN.
2.5. Ayon sa layon, ang tulang ANGGAD MANSAMPOT YAY BASBAS, SAY BILAY YA ANGGAPOY ARO, BILUNGETAY TAWEN, MANSILUNGET, NARASAN, BUMABANGAT, SEMPEN, NANKAKAPIGA A PAGA, BIGISEN YA SAPOK, MAERMEN YA PUSO, ANINO, at LIDER ay mga tulang naglalarawan. Tulang nagtuturo naman ang SAY PIRAWAT KON NAGAMURAN, ITANGAY MO LA, ALIWAN PANGALATOK, SINMABI LA at PINAPUTIN DILA. Tanging tulang TERE, JANE, NIA SO ASIN, SAY A-B-K-D NA BILAY at PEBRERO-BULAN NA AROAN ang natukoy ng mga nakararaming respondente na tulong nagbibigay-aliw.
2.6. Ayon naman pamaraan, lumabas na ang tulang BILUNGETAY TAWEN, MANSILUNGET, NARASAN, BUMABANGAT, PINAPUTIN DILA, at anino ay mga tulang napabilang sa pamaraang masagisag. Makatotohan naman ang mga tulang SAY PIRAWAT KON NAGAMURAN, ANGGAD MANSAMPOT YAY BASBAS, ITANGAY MO LA, ALIWAN PANGALATOK, SINMABI LA, SEMPEN, NANKAKAPIGA A PAGA, BIGISEN YA SAPOK, TERE, JANE, NIA SO ASIN, MAERMEN YA PUSO, SAY A-B-K-D NA BILAY, LIDER at PEBRERO-BULAN NA AROAN.
2.7. Karamihan naman sa mga tula ang may kaukulang mabigat. Ang tulang SAY BILAY NA ANGGAPOY ARO, BILUNGETAY TAWEN, ALIWAN PANGALATOK, BUMABANGAT, at LIDER ay napabilang sa kaukulang pang-okasyon. May kaukulang magaan naman ang tulang SAY PIRAWAT KON NAGAMURAN, BIGISEN YA SAPOK, ANINO at PEBRERO-BULAN NA AROAN.
3. Lumabas na walang pagkakaiba ang pagsusuri ng mga respondente sa mga piling tula sa wikang Pangasinan dahil sa resulta ng mga sumusunod na pagsusuring istatistikal:
3.1. Sa bahaging kaanyuan, ito ay may Anova Value na .38, ang kayarian naman ay Anova Valua na .72 na nangangahulugang not significant.
3.2. Sa layon, may anova Value ito na 2.19 na ang ibig sabihin ay not significant.
3.3. Sa kaukulan, may Anova Value ito na 2.24 na may implikasyong not significant.
3.4. Sa pamaraan, nagkaroon ito ng Anova Value na .60 na may interpretasyong not significant.
CHED-La Union Donation January 6, 2017
There are no comments on this title.