TY - BOOK AU - Morales, Melinda N. TI - Pagsusuri ng mga piling maikling kuwento sa Rehiyon I / U1 - DIS 808.83 M81p 2012 PY - 2012/// CY - Dagupan City : PB - [s.n.], KW - Short stories N1 - Bibliography: pages 164-166 N2 - Matapos suriin ng mananaliksik ang mga nakalap na datos, natuklasan niya ang mga sumusunod: 1. Maituturing na kayamanan ng bansang Pilipinas ang mga manunulat sa Rehiyon 1 dahil sa taglay nilang kagalingan sa pagsusulat ng anumang uri ng akda higit lalo ang maikling kuwento. Ang mga manunulat na ito ay sina Francisco Sionil Jose, Carlos Bulosan, Reynaldo Duque, Jose Bragado, Maria Magsano, Manuel Arguilla, at Amor Cico. 2. Ang mga maikling kuwentong sinuri at tumatalakay sa ugali at buhay ng mga Ilokano at Pangasinense, nagpapakita ito ng tunay at tapat na pagmamahal sa pamilya, sa kapwa, sa bayan at higit lalo sa Panginoon. 3. Lumabas sa pagsusuri ng mga eskperto, guro at mga mag-aaral na ang mga sumusunod na kuwento at dapat suriin sa magkakaibang pagdulog, pananalig at bisa: a. Tunay na Pag-ibig - Pagdulog Pormalistiko at Arketipal; Pananalig Klasisismo at Romantisismo; at Bisang Pangkaasalan. b. Vida - Pagdulog Pormalistiko; Pananalig Romantisismo; at Bisang Pangkaasalan. c. Kandong - Pagdulog Moralistiko; Pananalig Naturalismo at Romantisismo; at Bisang Pandamdamin. d. Isang Pasko sa Buhay ni Moises - Pagdulog Sosyolohikal; Pananalig Ekspresyunismo; at Bisang Pangkaisipan. e. Ang Mga Naghihintay sa Awa ng Dagat - Pagdulog Moralistiko; Pananalig Realismo; at Bisang Pangkaisipan. f. Graduation - Pagdulog Pormalistiko; Pananalig Klasisimo at Realismo; at Bisang Pangkaasalan. g. Si Ama sa Loob ng Korte - Pagdulog Moralistiko; Pananalig Klasisismo; at Bisang Pandamdamin h. Sa Kasagsagan ng Tag-init - Pagdulog Pormalistiko; Pananalig Romantisismo, Naturalismo; at Bisang Pangkaasalan. 4. May pagkakaiba rin sa kinalabasan ng pagsusuri ng mga eksperto, guro at mga mag-aaral. Apat ang may interpretasyong Signifikant at apat rin ang Hindi Signifikant ER -